Posts

Anthony Giddens at Ulrich Beck: Mekanismong Juggernaut at Risk Society

Mayroong isang social theorist na naniniwalang hindi pa tayo nakakarating sa post-modern society kundi tayo ay nananatili pa rin sa modernong society ngunit nasa mas makabagong lugar na tayo rito. Kahit na siya ay modernista, si Giddens ay mayroong ibang pananaw sa modernong panahon kumpara sa mga klasikal na theorists tulad nila Marx at Weber. Nakita ni Giddens na ang mundo ay kinokontrol na ng mekanismong tinatawag na “Juggernaut” na kanyang inilarawan bilang isang makinarta na mayroong malawak na kapangyarihan na kaya lamang macontrol ng tao sa maliit na sakop lamang kung kaya’t malaki ang posibilidad na ito ay mawala sa ating kontrol at magkagulo ang mundo. Ang Juggernaut ay “runaway world” ayon kay Giddens, nasa panahon na raw tayo kung saang ang globalisasyon na ating kinabubuhayan ngayon ay hindi na natin kayang makita kung ano ang parating at ito ay hindi stabilized na proseso dahil nga walang kayang magcontrol nito ng buong buo. Ayon kay Giddens, ang modernidad ay mayroo...

NEO MARXIAN THEORY: ANG PAGUSBONG NG INDUSTRIYANG KULTURAL

Noong mga panahon na umusbong ang industriyalisasyon, sumikat rin ang mga paniniwala at ang teorya ni Marx na nagsasaad na hindi na makatao ang ginagawa ng mga   kapitalista sa mga manggagawa nito. Ngunit ang Neo Marxian na teorya ay naiiba sa kung ano ang mga isiniwalat ni Marx sa kanyang teorya. Naririto ang dalawa sa mga umusbong na Neo Marxian Theory, ang Critical Theory at ang Emergence of the Culture Industry. Ang Critical Theory ay isang sosyal na teorya kung saan ang layunin nito ay ang punain at baguhin ang lipunan sa kabuoan hindi katulad ng mga tradisyonal na teorya na ang layunin lamang ay ang maintindihan at maipaliwanag ang mga bagay bagay. Ang mga kritikal na teorya ay nagnanais ng mas malalim na pagintindi sa mga bagay na nakikita   at nasisipat natin sa mababaw na lebel ng ating mga buhay at kung paano tumatakbo ang iba’t ibang mekanismo sa mundo. Ang Critical theory ay nagmula sa paniniwala ng mga Marxists at ito ay na binuo ng isang grupo ng mga sosyol...

Teorya ng Produksyon at ang Teorya ng Pagkonsumo ayon kay Thorstein Veblen

Sa modernong panahon, parami na ng parami ang ating mga pangangailangan. Dahil rito, parami na rin ng parami ang mga naiimbento na mga produkto upang mapunan ang mga pangangailangan nating ito. Ang mga produktong ating ginagamit pang araw araw ay napapasaatin dahil sa mga manggagawa at mga mga makinarya na nagkukumpuni nito upang magkaroon ang mga ito ng silbi sa atin. Mayroong tatlong nasa likod ng isang negosyo, (1) ang negosyante o ang businessman na siyang nagdedesisyon sa pangkabuoang mga mekanismo at galaw sa negosyo, (2) ang industriya na siyang mayroong alam sa kung ano ang produktong ginagawa at nagkukumpuni nito, at (3) ang pinansyal na industriya sa negosyo, naririto ang mga taong naghahawak ng pera ng negosyo upang mapanatili na maayos at magpapatuloy tuloy pa rin ang magoopera ng negosyo sa mahabang panahon. Hindi ikagugulat ng marami na parang trianGULO ang pwede nating maipakita sa struktura...

Simmel: Rasyonal o Hindi?

Sa kultura ng ating bansa, unti unti nang nagbabago ang ating mga pagtingin sa mga bagay na iba naman ang kahulugan noon at halaga noon ngunit ngayon, iba na ang tingin natin sa mga bagay na ito. Sa modernong panahon, talagang makikita na ang Trahedya ng Kultura. Si Georg Simmel ay isa ring German social theorist na gumawa at nag lagay ng pakahulugan sa salitang Tragedy of Culture. Maraming naimbag si Georg Simmel sa sosyolohiya, tulad na lamang nga mga Social Forms, kung saan kahit saan mang institusyon o relasyon, mayroong dalawang klase ng social form, ito ang Dominant at ang Subordinate. Ang Dominant ay ang tao na kung saan siya ang mas nasusunod sa dalawang tao na ito. Siya ang taga utos, ang tama, masusunod at siya ang mas makapangyarihan  sa relasyon ng dalawang taong ito. Ang Subordinate naman ay ang taga sunod. Siya ang lagi lamang sumusunod sa Dominant, kung ano man ang sabihin nito, iyon na ang dapat niyang gawin. Kung anong sabihin ng Dominant, iyon ang tama, iyon ...

Pagtingin sa mga opinyon ni Max Weber

Bukod kay Karl Marx ay mayroon pang isang importanteng tao sa Sosyolohiya, siya ay si Max Weber. Isa siyang German theorist at kilala siya sa paggawa ng apat na pagiisip o kung ano ang rasyonal. Ayon kay Weber, mayroong apat na rationalidad, ito ang Practical Rationality kung saan ito ang ating mga ginagawa araw-araw upang masagot o malampasan ang mga sitwasyon sa ating buhay kung saan mahirap ang makalampas. Tulad na lamang ng sitwasyon sa ating buhay na kapag isinarado o may harang sa daanan ng ating dapat daanan papasok sa eskwelahan, tayo ay iisip ng iba pang alternatibong daan upang makarating sa  ating pupuntahan. Ang pangalawa naman ay ang Theoretical Rationality, ito ang pagbuo ng iba’t ibang teorya upang masolve rin ang mga problema na kinakaharap natin araw araw. Ito ang pagiintindi sa mundo na ating ginagalawan. Ang pangatlo ay ang Substantive Rationality, katulad ito ng Practical Rationality na dapat ay may ginagawang aksyon upang ito ay maging rasyonal. Sa rasyonalida...

Mga kaisipan tungkol sa Marxismo

Si Karl Heinrich Marx ay isang German philosopher, economist, historian, political theorist, sociologist, journalist and revolutionary socialist. Siya ipinanganak noong May 5, 1818. At namatay naman noon March 14, 1883. Noong siya ay nabubuhay pa, dito nagsimula ang industrial revolution. Ngunit hindi nagsimula ang Marxism o ang paniniwala o paggalaw ayon sa kanyang mga obserbasyon at pagaaral kung hindi noong namatay siya. Ang Marxismo ay ang sosyal, political, at ekonomikong pilosopiya na pinagaaralan ang epekto ng kapitalismo sa paggawa, produktibo at ekonomikong pagunlad. Bago magkaroon ng Industrial Revolution, ang mga tao ay gumagawa sa kanilang kagustuhan sa kanilang paggawa: kung anong materyales ang gagamitin, kung anong paraan ang gagamitin upang magawa ang produkto, ang oras kung kailan sila magtatrabaho, at kung magkano nila ibebenta ang produkto na kanilang ginawa. Mayroon silang kamalayan at koneksyon sa kanilang mga ginagawa kung kaya’t kanilang nararamdaman na sila a...

Emile Durkheim : Social Solidarity

Si Emile Durkheim ay kilala bilang isang French Sociologist na nakilala dahil sa kanyang teorya at sadyang galing sa pagobserba at paglalahad ng kanyang mga obserbasyon sa paraan na maiintindihan ng madla at nakita ito ng madla na talaga nga namang totoo ang kanyang teorya na tungkol sa istraktura ng lipunan kung kaya’t sabi nila ay siya ang nagtatag ng French School ng sosyolohiya. Ang kanyang teorya ay umiikot sa isang lipunan na kanyang naobserbahan sa nakaraan ng kanyang panahon at ang kasalukuyan niyang panahon noong panahon na inaaral at inooberbahan niya ang lipunan. Mayroon daw dapat na pagkakahati hati ng trabaho bawat tao sa isang lipunan, kung sa triangulo sa lipunan na sinasabi ni bamboo ay ang dapat na nasa ibaba, ay nasa ibaba lamang at manataling gawin ang mga trabaho na nararapat para sa mga nasa ilalim ng triangulo. Mayroon siyang mga jargon sa  kanyang mga teorya, tulad na lamang ng “Collective Conscience” na nagsasabi na ang nagbubuklod sa isang grupo ay dahil...