Michel Foucault: Increasing Governmentality
“With
great power comes with great responsibility.” Ito ang isa sa mga kasabihan na
lagi nating ikonokonekta sa pagiging isang lider o isang makapangarihan sa
isang institusyon. Ang pagiging isa sa mga tagapangisawa ng isang lipunan ay
talaga nga namang matrabaho at lagi mong dapat na iisipin ang nakabubuti para
sa nakakarami. Ngunit, sa modernong panahon ito nga ba ang nangyayari? Naisasagawa
nga kaya ng mga opisyal ang kanilang mga tungkulin base sa kanilang mga
kakayahan at mga kapangyarihang kanilang hawak o inaabuso ng aba nila ito?
Si
Michel Foucault ay isang mga gumawa ng post-modernong sosyolohistang teorya.
Naniniwala si Foucault na hindi tuloy tuloy sa isang panahon ay isang teorya
kundi ito ay pahati hati sa panahon at hindi lahat ng tao ay nakararanas nito o
di kaya’y hindi sa iisang oras nararanasan ng lahat ang iisang teorya lamang.
Naging
interesado si Foucault sa paiba-ibang sistema ng tinatawag niyang governmentalities o ang praktis at
teknik kung saan mayroong nagkokontrol sa mga tao sa isang lugar. Isang
halimbawa na lamang nito ang ginagawa ng lokal na gobyerno sa ating mga
sinasakop nito. Kahit na naging interesado rito si Foucault, naging iba pa rin
siya sa iba pang mga sosyolohista dahil sa kung paano niya tiningnan ang
pagensayo sa governmentality sa iba’t ibang instutusyon at mga ahensya na hindi
konektado sa gobyerno. Mayroon rin siyang mga isiniwalat ukol sa kung paano
pinamumunuan ang kanyang sarili.
Sa
iba’t ibang libro niya isiniwalat at ipinahayag kung paano tumataas ang
governmentality sa ating panahon:
Ang
una niyang libro na nagpakita nito ay ang "Discipline
and Punish" kung saan ang pinaka sentro ng kanyang gawang ito ay noong mga
panahon 1757 hanggang sa 1830s lalo noong kakauso pa lamang ng mga kalungan
mula sa dating labis na pagpapahirap sa mga taong nakagawa ng kasalanan. Hindi
lang raw nagkaroon ng pagbabago sabi ng mga modernista kundi nagkaroon raw ng
progresibong pagsulong sa ekonomiya nang dahil sa pagbabago na ito. Ang
transisyon mula sa torture patungo sa
kontrol na ibinabase sa mga batas ay nakita ng mga tagapagmasid na isang progresibong
pagmamakatao ng mga tao ukol sa pagtrato sa mga kriminal noong araw. Sa
pangkahalatan, ang parusa ay nakita na mas naging makatao, hindi na gaanong
masakit at hindi na gaanong kalupit.
Ngunit
sa ganitong paraan ay nasipat ni Foucault na dahil sa ganitong pagbabago ng
sistema ay mas nagkaroon ng kontrol at mas naging malawak ang kapangyarihang
hawak ng mga may kapangyarihan upang maparusahan ang mga nasasakdal.
Ang
unang napansin ni Foucault ay nagkaroon ng mas kakaunting negatibong epekto.
Noong tinotorture pa ang mga kriminal, mas nahimok ang mga publiko na manood sa
kung paano itotorture ang kriminal na ito. Nang dahil sa kasabikan ng mga tao
sa pananonood ng mga ganito ay nagkakaron ng tendensiya na magkaroon ng iba’t
ibang mga reaksyon at paguugali ang mga manonood na hindi gustong mangyari ng
mga may hawak ng kapangyarihan. Sa kabaling banda naman ay noong nagkaroon na
ng mga kulungan at mga batas ukol rito ay ang pagpapatupad sa mga batas na ito
ay nangyayari na sa loob ng mga pader ng kulungan.
Pangalawa
ay dahil sa mga batas na ito naging mas marami ang mga pakinabang kaysa sa
torture. Ang pag pataw ng mga batas na ito ay maaaring maituro sa mga tao bago
pa nila ito magawa kung kaya’t matatakot na ito sa mga pwedeng maging parusa,
hindi katulad sa torture na kung kailan lamang nila ginawa ang krimen ay saka
lamang nila malalaman kung anong parusa nila kung kaya’t mas naging epektibo
raw ang mga batas na ito sa pagpapatino sa mga taong gustong gumawa ng krimen.
Sa
pangkaragdagan, ang mga batas ay maaaring ituro ng paulit ulit sa mga tao upang
matandaan nila ang mga ito at matuto sila rito hindi tulad ng sa torture na
hindi pwedeng paulit-ulitin ang pagtotorture sa nasasakdal dahil maaring
lubhang masaktan o mamatay ito. Sinabi pa ni Foucault na sa mas lalong pagkita
ng mga tao na ginagawa ang pagtotorture sa mga nagkasala ay gugustuhin rin
nilang gumawa ng mga makasalanang gawain.
Ang
panghuli naman at ang pinaka importante ay ang pagpapatupad ng mga batas ay
mayroong mas malaking mga kapalit na maganda kaysa sa torture. Dahil hindi mo
raw maaaring maparusahan sa paraan ng pagtotorture ang lahat ng tao na nasa
isang populasyon ngunit maaari mong maipatupad lahat ng batas sa lahat ng tao
sa isang populasyon. Ang abilidad sa pagkokontrol sa buong populasyon ay dahil
sa abilidad na pageensayo ng pagmamatyag sa mga tao sa regular na panahon.
Ngunit ayon kay Foucault, ang kapangyarihan at ang pagmamatyag ay hindi nasa
iisang makapangyarihang sistema kundi hawak ito ng iba’t ibang lokal na mga
institusyon. Sa ganitong paraan ay maaaring iba’t ibang pinanggagalingan ng
kapangyarihan at matyag para sa publiko. Mayroong tatlong basikong instrument na
maaaring iensayo upang makontrol ang isang populasyon.
Instruments of Observation and Control
Ang
una ay ang hierarchical observation, ito
ang abilidad ng mga opisyal na may hawak ng kapangyarihan ay maaaring makita
ang lahat ng nasa ilalim ng kanilang pinangangasiwaan sa isang tinginan lamang.
Nasa diskusyong ito ang isa sa pinaka sikat na terminong sinabi ni Foucault,
ito ang panopticon, kung saan ito raw
ang istruktura kung saan na mayroong isang tao na may hawak ng kapangyarihan na
nakikita ang lahat ng kilos ng mga tao sa isang tinginan lamang at ang malupit
pa rito ay hindi alam ng mga tao na sila ay nakikita na nito o hindi kung kaya’t
nagkakaroon na ng kamalayan sa isip ng tao at kinokontrol na nito ang kanyang
sarili na gumawa ng mali dahil maaaring mayroon siyang magawang mali na makita
noong nasa panopticon. Nang dahil dito ay nagkakaroon ng mas malaking
kapangyarihan ang taong nasa panopticon dahil alam niya na kahit nakatingin o
nakamasid ito sa mga tao ay alam niyang hawak niya ang mga ito. Ang panopticon
at ang iba pang mekanismo ng ganitong sistema ay tinatawag ni Foucault na disciplinary society.
Maraming
pwedeng halimbawa ng sinasabi ni Foucault na disciplinary society, isa na rito
ang paniniwala nating mga Kristiyano sa Diyos, kung saan natatakot tayong
gumawa ng masama dahil alam natin na mayroong sampong utos na sinabi ng Diyos
na bawal itong gawin kung hindi ay hindi ka na mapupunta sa langit kapag ikaw
ay pumanaw na. Katulad ng nasa panopticon, ang naririto ay ang Diyos, na hindi
man natin sigurado kung nanonood nga ba siya sa atin sa lahat ng panahon ay
natatakot pa rin tayong hindi sumunod sa mga sinasabi niya dahil ayaw natin
maparusahan sa huli.
Ang
isa pang halimbawa ay ang internet, mayroong sabi sabi na ang camera raw ng
iphone ay laging naka-on at lagi nitong pinapanood ang mga hawak ng Iphone at
dahil dito, kung ano man ang gawin ng may-ari sa phone ay maaaring magamit
laban dito sa mga susunod na panahon. Tulad ng nasa disciplinary society ay
hindi rin naman natin sigurado kung mayroon ngang nanonood sa atin habang
nagsoscroll up lang tayo sa kaka facebook o di kaya’t nanonood na ng porno,
pero natatakot pa rin tayong gumawa ng mali sa harapan ng mga camerang ito
dahil maaaring may mangyari ngang uri ng pang bablackmail sa atin sa huli.
Ang
pangalawa namang instrumento na maaaring gamitin ng mga may hawak ng
kapangyarihan ay ang pag nonormalize ng
mga paghatol, kung saan ang mga makapangyarihan ang magdidikta kung ano ang
tama at kung ano ang mali sa isang lipunan, sila ang nagdidikta kung ano ba ang
normal at kung ano ang hindi. Kung mayroon kang maling magawa sa paningin nila
ay ikaw ay mahahatawan ng kaparusahan. Halimbawa na lamang ay ang pagdidikta ng
kung ano oras ang masasabing “late” na sa klase ang isang studyante ng kanyang
professor. Ang pagdidikta ng tama rito ay nakadepende sa professor dahil siya
ang mayroong pinaka malaking kapangyarihan sa buong klase at siya rin ang
magsasabi kung ano ang magiging parusa kung late na ng studyante sa kanyang
klase.
Pangatlo
namang instrument naman ay ang examinations
o mga pagsusulit,tinutukoy nito ay hindi lamang ang mga pagsusulit sa mga
eskweluhan ngunit sa iba’t iba pang institusyon sa lipunan tulad na lamang ng
mga ospital. Dito ay inoobserbahan na ang mga tao at sila ay hinahatulan sa
kung ano ang kanilang ginagawa (ito ay pinagsamang hierarchical observation at
normalizing judgements). Ang mga examinations
na ito ay isinasagawa upang makita ang mga ginagawa ng taong kanilang sakop
at kung tama baa ng kanilang mga ginagawa.
Increasing Disciplinary Power
Ang
pinaka punto ni Foucault sa lahat ng ito ay ang paggawa ng makabagong
mekanismong ito sa kung paano parurusahan ang mga tao ay nagkaroon lamang ng
mas malaking kapangyarihan ang mga may hawak nito upang maparusahan ang mga tao
imbis na mabawasan ito dahil nga naging mas makatao na raw ang kaparusahan,
ngunit hindi alam ng tao na mas hawak na siya sa leeg ng may hawak ng
kapangyarihan dahil namumuhay na sa takot ang mga tao dahil sa disciplinaryong
lipunan na ito.
Sino
nga ba naman ang hindi matatakot na mayroon pa lang maaaring nakatingin sa
lahat ng mga ginagawa natin at araw-araw, minu-minuto tayong hinahatulan sa mga
ginagawa natin. Nakakatakot isipin na tayo ay parating nahahatulan at hindi man
lamang natin alam kung ano na ang ating kaparusahan. Nagkakaroon sila ng mas
malakihang kontrol sa atin ng hindi man lamang sila gumagalaw dahil tayo na
mismo ang kumukontrol sa ating sarili dahil sa ganitong mekanismo.
Sinabi
ni Foucault na hindi sa lahat ng parte ng ekonomiya ang naaapektuhan rito
ngunit parte lamang nito sa isang panahon; pwede ring lahat makakaranas nito
ngunit hindi lahat sa iisang oras, maaaring sa isang lugar ng lipunan ay doon
naaapektuhan samantalang sa iba ay hindi, makalipas ang 2 linggo ay iyong iba
namang lugar sa lipunan, ito ang tinatawag na carceral archipelago ni Foucault, imbis na katulad ni Weber sa
itinutukoy nito na Iron Cage ay sa iba’t ibang lugar nangyayari ang ganitong
penomena at sa iba’t ibang oras din ito nangyayari.
Ang
pinag-ugatan ng discplinaryong lipunan na ito ay nang dahil sa pagimbento ng
kulungan ngunit ang mga teorya, mga kasanayan at teknolohiya ay nalilinang sa
iba’t ibang sector ng lipunan; tulad na lamang ng eskwelahan, ospital, mga
barracks ng military at iba. Dito ay nabuo ang carceral archipelago at ang
carceral society na siyang sentro ng teorya ni Foucault sa pagbabago ng mekanismo
at ang pagtaas ng governmentality.
Comments
Post a Comment