Teorya ng Produksyon at ang Teorya ng Pagkonsumo ayon kay Thorstein Veblen
Sa modernong panahon, parami na ng parami ang ating mga
pangangailangan. Dahil rito, parami na rin ng parami ang mga naiimbento na mga
produkto upang mapunan ang mga pangangailangan nating ito. Ang mga produktong
ating ginagamit pang araw araw ay napapasaatin dahil sa mga manggagawa at mga
mga makinarya na nagkukumpuni nito upang magkaroon ang mga ito ng silbi sa atin.
Mayroong tatlong nasa likod ng isang negosyo, (1) ang negosyante o ang
businessman na siyang nagdedesisyon sa pangkabuoang mga mekanismo at galaw sa
negosyo, (2) ang industriya na siyang mayroong alam sa kung ano ang produktong
ginagawa at nagkukumpuni nito, at (3) ang pinansyal na industriya sa negosyo,
naririto ang mga taong naghahawak ng pera ng negosyo upang mapanatili na maayos
at magpapatuloy tuloy pa rin ang magoopera ng negosyo sa mahabang panahon.
Hindi ikagugulat ng marami na parang trianGULO ang pwede nating maipakita sa struktura ng isang negosyo.
Ang negosyante and nasa itaas na parte ng triangulo, ang
pinansyal ang nasa gitna at ang industriya naman ang nasa ilalim. Iyan ang
nakasanayan nating struktura sa isang negosyo dahil nabubuhay tayo sa mundo na
ang sistemang umiikot sa ating lipunan ay isang maka kapitalisang sistema kung
kaya’t nasanay tayo at okay na lamang sa atin na ganito ang ayos ng struktura
ng isang negosyo. Ang may ari ang nasa ibabaw, siya ang may kontrol sa lahat:
kung ano ang gagamitin, kung ilan ang gagamitin, kung paano ito gagawin, kung
kailan lamang ito gagawin, sino ang mga dapat na gagawa, magkano ang pasahod sa
mga manggagawa, at kung ano ano pang mga dapat pagdesisyunan sa isang negosyo.
Ang pang pinansyal namang industriya ang siyang tumitingin o nagpapanatili ng
pera sa isang negosyo, siya ang naninigurado na magkakaroon pa rin ng sapat na
kita ang negosyo kahit na anong mangyari (ngunit pakatatandaan na hindi sa
kanila mapupunta ang kinikita ng negosyo, ang businessman pa rin ang makakuha
ng kita ng negosyo at isa lamang sila sa mga kinokontrol at paseswelduhan ng
mga negosyante). Kaya ko nasabi na isa itong trianGULO dahil hindi maayos ang
ganitong straktura sa isang negosyo, dahil nagiging middle man na lamang ang
negosyante sa pinansyal na industriya at ang industriya na siyang nagkukumpuni
ng mga produkto.
Noong unang panahon, noong hindi pa pumuputok ang instriyalisasyon
at wala pang pananamantala sa mga manggagawa, ang mga lider noon sa isang
negosyo ay mayroong alam sa mga pagkukumpuni ng mga kagamitin upang maging
isang magandang produkto ang kalalabasan nito. Mayroon siyang ambag sa kabuoang
produktibong paggawa sa negosyo. Ngayon ay hindi na ganito ang sitwasyon, ang
negosyante ay wala o mayroong lamang kakaunting kaalaman ukol sa paggawa ng
produkto (ang naiaambag lamang nito sa negosyo ay ang kapital), kung kaya’t ang
mga desisyong ginagawa nito ay upang ang negosyo ay magkaroon lamang ng mas
maraming kita sa mas kakaunting ginamit na mga hilaw na materyales at sa mas
mabilis na paraan upang ito ay magawa. Kung ating mapapansin ay ang mga
produkto ngayon ay mas mahalaga na ang mas madami kesa sa kalidad na gawa.
Ganito na lamang kaabusado ang mga negosyante dahil wala naman silang ibang
ginusto kung hindi ang kumita at kumita lamang ng pera. Ang industriya naman na
siyang produktibo at mayroong kaalaman sa kung paano ang tamang paggawa at mga
materyales upang magawa ang produkto ay wala na lamang magawa kung hindi ang
sumunod sa kapitalista dahil wala naman itong laban dahil kumakapit lamang rin
siya rito. Kung ating sisipatin ay ang teorya nitong si Veblen ay nakapaloob rin
sa teorya ni Marx at ni Weber. Ang kapitalista ay mapagsamantala at parang linta na gusto lamang makuha kung anong
gusto nito babaliwalain na nito ang kung sino o ano mang nasa daan nito.
Mayroon ring dalawang terminolohiya ukol sa teorya ng
pagkonsumo, ito ang conspicuous consumption at ang consumption leisure. Noong
mga panahon na wala pang gaanong industriya o magawa ang mga tao, ang mga tao
ay nagtatrabaho lamang dahil sa mga pangangailangan nito, dahil kailangan nito
ng pera upang makabili ng mga kinakailangan nila sa pang araw araw na buhay.
Noong mga panahon na ito ay mayroon nang hati sa ekonomiya, mayroong mga
mahihirap at mga mayayaman. Katulad ngayon ay ang mga mahihirap ang siyang mga
nagtatrabaho noon ngunit ang mga mayayaman ay walang ibang magawa, hindi naman
nila kinakailangang magtrabaho dahil mayroon na silang sapat na kayamanan kung
kaya’t ang tanging magagawa na lamang nila ay ang magaral. Ngayon, dahil ang
mga mayayaman ay mas may pera, kaya nilang bumili ng mga bagay na mas magaganda
at mas mayroong kalidad. Dahil rito ay sila ang nagseset ng istandard sa mga
dapat na bilhin, suotin, at mga gamiting mga kagamitan ng lahat ng tao sa lipunan,
mayaman man o mahirap. Naririto ang kanilang paniniwala na kung ano ang mga
gamit na ginagamit ng mga mayayaman sa lipunan, ang mga bagay na ito ay
nagsisimbolong na pang mayaman lamang ito at kung sino man ang mag may ari ng
mga bagay na ito ay magmumukha na ring mayaman. Dahil rito, ang mga mahihirap
ay gusto na ring bilhin ang mga bagay na ito dahil gusto nilang maging mukhang
mayaman sa ibang tao. Ito ay isa ring mekanismong panglaban ng mga sa hindi
pantay pantay na pagtrato sa mga mahihirap at mayayaman, upang sila ay
matanggap ng lipunan at sila ay maka “belong” sa lipunang ito.
Dito na natin pagiibahin ang Conspicuous Consumption at ang
Conspicuous Leisure, ang Conspicuous Leisure ay ang pagtatagala ng oras para sa
paggawa ng wala; ito ay nagsisimbolo ng “class” at may kaya ka sa buhay dahil
hindi mo kailangang magtrabaho upang mabuhay. Samantalang ang Conspicuous
Leisure naman ay ang pagbili sa mga bagay na lumalagpas pa sa kung ano ba talaga
ang silbi nito o ang dapat na tumutugon lamang sa ating mga pangangailangan
upang masabing tayo ay nakabibilang sa mas mayamang parte ng lipunan.
Comments
Post a Comment