Anthony Giddens at Ulrich Beck: Mekanismong Juggernaut at Risk Society


Mayroong isang social theorist na naniniwalang hindi pa tayo nakakarating sa post-modern society kundi tayo ay nananatili pa rin sa modernong society ngunit nasa mas makabagong lugar na tayo rito. Kahit na siya ay modernista, si Giddens ay mayroong ibang pananaw sa modernong panahon kumpara sa mga klasikal na theorists tulad nila Marx at Weber.
Nakita ni Giddens na ang mundo ay kinokontrol na ng mekanismong tinatawag na “Juggernaut” na kanyang inilarawan bilang isang makinarta na mayroong malawak na kapangyarihan na kaya lamang macontrol ng tao sa maliit na sakop lamang kung kaya’t malaki ang posibilidad na ito ay mawala sa ating kontrol at magkagulo ang mundo. Ang Juggernaut ay “runaway world” ayon kay Giddens, nasa panahon na raw tayo kung saang ang globalisasyon na ating kinabubuhayan ngayon ay hindi na natin kayang makita kung ano ang parating at ito ay hindi stabilized na proseso dahil nga walang kayang magcontrol nito ng buong buo.
Ayon kay Giddens, ang modernidad ay mayroong apat na institusyon. Una ay ang Kapitalismo kung saan mayroong produksyon mula sa mga hilaw na materyales, mayroong pribadong pagmamayari sa capital, pasahod sa mga trabahador at isang sistemang umiikot sa mga ganitong katangian. Pangalawa naman ang Industriyalismo kung saan hindi na tao ang ginagamit upang makabuo ng mga produkto kundi mga makinarya na ang kailangan sa mga ito. Hindi lamang ang paggawa ng produkto ang naapektuhan rito kundi pati na rin ang transportasyon, komunikasyon at iba pang mga pang araw araw na ating ginagawa ay naaapektuhan na rin nito. Pangatlo naman ang Surveillance kung saan mayroong nangangasiwa sa mga aktibidad ng mga tao sa isang mundo. Pangapat naman ang kontrol ng estado sa paraan ng paggamit ng dahas o tinatawag rin ito na ating mga kapulisan at sundalo.
Ang modernidad raw ay nagkakaroon ng dynamism o ang penomena ng ating utak kung saan mayroong pwersang kumukontrol sa mga aksyon imbis na gumagalaw lang ito dahil sa motion ng dahil sa tatlong proseso. Time and space distanciation kung saan ito raw ang tendisyang magkaroon ng distansya sa mga modernong relasyon ng mga tao. Kaugnay nito ang disembedding kung saan hindi na sangkot ang isang tao sa mga maka-sosyal na relasyon at mayroon nang bagong konteksto ng pakikipaginteract sa iba (katulad na lamang ng ating pakikipag usap sa Facebook sa ating mga kaibigan kahit na katabi lamang natin sila). Sa ganitong sistema ay mahalaga ang pagkakaroon ng tiwala sa isa’t isa dahil hindi na natin nalalaman ang mga impormasyon tungkol sa ating mga nakakausap dahil nga ‘filtered’ na ang mga imporasyong kanilang ibinabahagi sa atin, ang mga magagandang bagay na lamang ang kanilang ipinapakita dahil ayaw ng tao na mayroong ibang taong nakakaalam ng baho nito. Pangatlo naman ang reflexivity kung saan ang mga ginagawa at nakasanayan ng mga nasa lipunan ay parating ineexamine at nababago dahil sa mga bagong impormasyong nalalaman ng mga tao.
 Sa pananaw ni Giddens, nakagawa ang modernity ng isang nakakasirang sistema. Ang nakakasirang sistemang ito ay maaaring lumawak ang sakop hanggang sa buong mundo na ang mayroong nito, kung kaya’t maraming tao sa mundo ang maaapektuhan nito. Nang dahil sa kaalaman na ito na maaaring malaman ng lahat ng tao, mawawalan na ng kaisipan ang mga tao na sila ay ligtas at mananatiling matiwasay ang kanilang pamumuhay sa mundo.
Sabi ni Giddens ang reflexivity ng modernidad ay umaabot sa ubod ng katauhan ng isa ng tao at dahil dito ay siya rin ay nagiging reflexive sa kanyang paggawa ng identidad ng kanyang sarili. Halimbawa ay ang isang katawan ay dumadaan sa proseso kung saan iba’t iba ang sinusundan nitong bateyan upang mahulma nito ang kanyang sarili. Ayon din kay Giddens na ang mga matalik na relasyon ay nagkakaroon na ng pagkakahilaway ng kanilang mga araw araw na kinaugaliang ginagawa. Nang dahil dito, ang reflexive effort  upang magkaroon ng matibay na matalik na relasyonsa ibang tao ay nagiiba na sa mas malaki pang problemang moral ng lipunan.

The Risk Society

Ayon naman kay Ulrich Beck, hindi na tayo namumuhay sa industriyalisadong ekonomiya at tayo ay papunta na sa isang Risk Society. Ang Risk society ay isang porma ng reflexive modernity kung saan ang pinaka problema ay kung paano maiiwasan, mababawasan o maibabaling sa iba ang mga risks  na maaaring ikaharap ng mga tao, Ang mga risks na ito ay nabubuhay nang dahil sa mga mekanismong gumagawa ng salapi sa modernong lipunan. Ang Industriya ay isang ehemplo rito, gumagawa ito ng malakihang mga makakapang lason hindi lang sa kasalukuyang nakakaranas nito kundi pati ang mga susunod pang mga henerasyon. Isiniwalat rin ni Beck na ang siyensa ang mayroong malaking ganap dito dahil ang siyensa raw ang protector ng mga malawakang kontaminasyon sa mga tao at sa kapaligiran. Kanyang sinabi na ang mga subgroups tulad na lamang mga naglalaking kumpanya kaysa sa gobyerno ang magsusulong at magsisimula ng daan patungo sa pagcope up sa mga risks na ito.

Comments

Popular posts from this blog

Ang mga pananaw ni Jean Baudrillard: Mula sa Tagagawa patungo sa Mamimiling Lipunan ; Pagkawala ng Symbolic Exhanges at Pagkadami ng Simulations

Teorya ng Produksyon at ang Teorya ng Pagkonsumo ayon kay Thorstein Veblen

Michel Foucault: Increasing Governmentality