Mga Kontemporaryong Peministang Teorya


Ang mga kababaihan ay matagal nang tinitingnan pababa ng karamihan sa lipunan, mula noon hanggang ngayon at kahit saan mang parte ng mundo ay ganito ang nararanasan ng karamihan sa mga kababaihan. Kawalan ng katarungan at dangal ang nararamdaman ng mga kababaihan sa tuwing sila ay nakakaranas ng hindi pantay na pagtrato sakanila, sa loob o labas man ng bahay. Dahil rito ay umusbong ang Peminismo noong ika 19 na siglo, ang nagsimula nito ay si Wilhelmina Drucker na nabuhay noon 1847 hanggang sa namatay ito noon 1925. Siya ay isang politico, manunulat, at isang aktibista para sa kapayapaan na lumaban para sa pantay na karapatan sa pamamagitan ng mga political at peministang mga organisasyon na kanyang itinatag. Noong mga taong 1917 hanggang 1919, nakamit niya ang tagumpay at nakalaya mula sa paghihirap ang mga kababaihan.

Ang peminismo ay ang pagtitipon ng mga kilusan at mga kaisipan na layunin ang magtakda, magtatag, at maipagtanggol ang pantay na pampulitika, pangkabuhayan, pangkultural, at panlipunang mga karapatan para sa mga kababaihan. Nabibilang dito ang pagtatatag ng pantay na mga pagkakataon para sa mga kababaihan sa edukasyon at sa paghahanap-buhay. Ang isang peminista ay tumataguyod o sumusuporta sa mga karapatan at sa pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan.
Ang mga Basikong teoretikal na mga katanungan:

Ang unang katanungan patungo sa pagaaral ng peminismo ay: Paano na ang kalagayan ng mga kababaihan? Nasaan na sila sa mga kaganapan sa lipunan? Kung wala man sila sa mga ito, bakit? Kung naroroon ang mga ito, ano ang kanilang mga tungkulin? Paano nga ba nila nararanasan ang mga sitwasyong nakapaloob rito? Paano sila nakakaambag sa lipunan? At ano ang ibig sabihin nito para sa kanila?

Sa haba haba ng panahon ay nasagot na ang ilan sa mga ito. Nakikita ang mga kababaihan sa mga kaganapan sa lipunan at kung wala man sila rito, ay hindi dahil sa wala silang abilidad upang magawa ang mga dapat na kanilang gawin o di kaya’t hindi sila interesado, kundi dahil mayroong mas malakas na pwerse na kumukontrol sa kanila upang hindi mapabilang at makilahok sa mga gawain sa lipunan. Kung saan man sila natatagpuan na gumagawa ay hindi nila talaga ginagawa ang kung ano ang inaasahan nilang magawa ayon sa opinyon ng nakararami sa lipunan. Tunay ngang parehas mayroong ambag ang kalalakihan at kababaihan sa mga institusyon sa lipunan, talagang hindi lang nakikita ang mga kababaihan at ang mga ambag at naitutulong nito rito. Para bang ang kababaihan ay pinipili talagang hindi makita sa mga ginagawa nito, dahil dito, isa itong tagapagpahiwatig ng hindi pantay na pagtrato sa parehong sekswalidad na mayroon sa lipunan.

Ang pangalawang katanungan naman ay nagpapaliwanag kung bakit ganito na nga ang naging sitwasyon ng mga kababaihan sa mga lipunan sa iba’t ibang parte man ng mundo. Sa pagtatangkang sagutin ng peminismo ang mga katanungang ito ay nakabuo ito ng teorya na mayroong pandaigdigang kahalagahan sa sosyolohiya.

Ang pangatlong tanong naman para sa lahat ng mga peminista ay, Paano mababago ang mga pananaw at kalagayan ng mga kababaihang ito sa lipunang kanilang ginagalawan? Paano magiging pantay pantay ang lahat?

Ngunit sa paglipas ng panahon, parami na ng parami ang mga peminista, dahil dito ay mayroong isa pang tanong upang gabayan ang mga ito sa paggawa ng mga teoretikal na sulatin: Paano naman ang mga pagkakaiba iba ng mga kababaihan? TInatawag ang tanong na ito bilang Feminism’s qualifying question dahil nagtutungo ito sa konklusyon na ang hindi pagpansin, ang hindi pantay na pagtrato at ang kaibahan ng mga ambag sa lipunan kumpara sa mga ginagawa ng mga kalalakihan, ang nakakaapekto raw rito ay kung ano ang lokasyon ng isang kababaihan sa lipunan nito (ang kanyang social class, lahi, edad, kung sino ang pinipili nitong makarelasyon, ang sibil na estado nito, relihiyon, etniko, at ang lugar sa mundo)

Ang mga tanong na ito ukol sa peminismo ay makakapagsindi ng ating mga kamalayan sa pagiintindi ng mundo at magrebolusyon laban sa mga tunay na dahilan ng hindi pantay na pagtrato sa mga kasarian. Ang mga katanungang ito ay magtutungo sa atin sa kung saan nga ba nanggaling ang mga kaalaman natin ukol sa mga ito, sa kung sino ang nagkokontrol sa mga mekanismo sa lipunan upang maging ganito ang sitwasyon ng mga kababaihan—at ito ang mga “masters” o ang mga kalalakihan. Kung saan kanilang hinulma na sila ang dapat na bida sa istorya ng mundo, at tayo lamang ang mga sidekick nila kahit na tayo ay nakakaambag rin naman upang mapanatili at makagawa muli ng mga bagong kaalaman sa mga lipunang ating kinabibilangan.
Ang pagsipat sa peminismo ay hindi lang upang maintindihan ang mga kaalamang ito na ipinakain at isunuksok sa ating mga isipin, kundi upang hamunin ito sa mga makatotohanang kaganapan at mga ambag at dapat na pagtatrato sa mga kababaihan sa isang lipunan. Layunin nitong makapag decode ng mga kaalaman na ito upang mapalitan ang alin sa mga ito at makagawa ng mga panibagong kaalaman na itatanim rin natin sa lipunan upang mamulat na ang lahat ng tao – lalo na ang mga kalalakihan – na dapat ay mayroong pantay na karapatan ang mga kalalakihan at mga kababaihan.

ANG MGA KONTEMPORARYONG PEMINISTANG TEORYA

Gender Difference
Ang Gender Difference ay mayroong tatlong anyo: Cultural Feminism, kung saan isinasaad rito ang kakayahan at halaga ng mga kababaihan,; explanatory theories, kung saan ginagalugad nito ang mga posibleng sanhi ng gender difference; at ang phenomenological at existential theories, kung saan tinitingnan nito ang mga implikasyon sa kung papaano nagiging ‘others’ ang mga kababaihan. Ang teoryang ito ay hindi madaling mabago.

Cultural Feminism
Nalaman ng mga tao ang Gender Difference dahil sa kung paano hinulma ng mga kalalakihan ang kaisipan ng lahat ng tao sa lipunan na ang mga kababaihan ang mas nakabababang anyo kumpara sa kanila. Nguni tang argumentong iyon ay gustong ibasura ng mga first-wave feminists, sila ang nagisip ng cultural feminism, kung saan ito ang pagpupuri sa mga positibong katangian ng personalidad ng mga kababaihan. Ang mga naung teorista ukol rito ay sina Jane Addams at Charlotte Perkins Gilman kung mamumuno upang maging balanse ang paggawa ng mga desisyon ukol sa lipunan at mabalanse rin nila ang mga katangian ng mga lalaki upang maayos ang mga kaguluhan sa lipunan.

Explanatory Theories
Ito naman ang teorya na sinimulan ng sosyolohista at pemistang si Alice Rossi kung saan ang sanhi raw ng gender difference sa lipunan ay dahil sa bayolohikal, institusyonal na mga ganap, at pakikisalamuha sa iba. Ayon kay Rossi, mayroong pagkakaiba ang mga babae at lalaki dahil sa bayolohikal na komposisyon nito at kung paanong ang mga komposisyon na ito ay naisasagawa dahil sa ito ang sinasabi ng kanilang mga katawan na gawin. Ayon pa kay Rossi, upang mabago raw ang mga papel ng mga tao sa lipunan ay kailangang mabago ang mga sosyokultural na gawain sa pamamagitan ng pagturo ng kultura rito.

Institutional explanations
Isinasaad rito na mayroong pagkakaiba sa mga gawi ng mga kasarian ay dahil sa mga laging ginagawa ng mga kababaihan at kalalakihan sa isang institusyon. Kung saan, ang mga babae raw ang nagiging iba sa mga lalaki ay dahil lagi raw itong nakikitang nagtatrabaho sa bahay, nagaalaga sa mga anak at sa asawa nito; ito raw ay nagtatrabaho lamang sa bahay.

Existential and Phenomenological Analyses
Ang temang ito at nagsimula dahil sa gawa eksistensyal na pagsusuri ni Simone de Beauvoir sa The Second Sex kung saan ang mga babae ay minamaliit at tinitingnan ng lipunan at mga kalalakihan bilang ‘The Other’. Sa mundo kung saan ang mga lalake ang mga lumikha rito at sa mga kaisipang umiikot rito ay dahil dito, sa isipan ng mga kalalakihan sial ang paksa, sila ang dapat na pagtuunan ng pansin at sila ang maging basehan ng mundo sa mga pagtingin nito at kung paano ito bibigyang kahulugan. Sa ganitong lipunan, napipilitang maisip at maramdaman ng mga kababaihan na sila lamang ay isang ‘other’, isang taong tinatrato na parang bagay lamang. Kung saan makakaalis lamang raw ang mga kababaihan sa kaisipang ito ay kung sila ay gumawa at maglinang ng kanilang kamalayan at kultura na sa kanila lamang ayon sa Pransyang psychoanalytic na feministang sina Helene Cixous at Luce Irigaray.

Marami pang uri ng kontemporaryong teorya ukol sa peminismo tulad na lamang nga gender inequality kung saan mayroon itong apat na tema: (1) Ang klase lugar at tayo sa lipunan kung nasaan ang mga kababaihan at kalalakihan ay hindi pantay, ang mga kababaihan ay mayroong mas kakaunting natatanggap na materyal na mga kagamitan, social status, kapangyarihan at mga oportunidad para sa pansariling paglinang kumpara sa mga kalalakihan ; (2) Nang dahil sa hindi pantay na pagtratong ito ay nagkakaroon na rin ng pagkakaiba sa kung paano naisasaayos at naipepwesto ang mga tao sa isang lipunan.; (3) ang lahat ng tao sa mundo ay nagnanais na maranasan ang tunay na kalayaan upang sa paghanap nito ng kanyang sarili upang ito ay makibagay sa mga kahirapan ng mga sitwasyong kakaharapin nito. Ang mga kababaihan ay mayroong mas mababang pagtingin sa kanyang sarili kumpara sa mga lalaki.; (4) Pinaniniwalaan na ang lahat ng mga  teorya ukol sa inequality, babae man o lalake ay kayang makibagay sa egalitaryong lipunan. Dahil rito, sinasabi sa teoryang ito na mayroong posibilidad upang mabago ang lahat.

Marami ang mga inequalities sa mundo, sa modernong panahon, hindi lang babae at lalake ang mayroong hindi pantay na pagtingin, pati na rin sa iba pang batayan, tulad na lamang ng edad, etniko, kulay ng balat, estado sa buhay at iba pa. Napaka rami ring mga mekanismo upang malabanan ang mga inequalities na ito ngunit, hindi sa lahat ng panahon ay malalabanan ito ng mga tao. Kailangan ng pagbabago, kailangang magbago. Dahil kung lahat tayo ay nagtatago lamang sa mga maskara at sa mga kalasag na akala nating matibay, ay hindi mareresolba ang problema, magpapatuloy at magpapatuloy lamang sa pagbato sa iyo, kung ano man ang iyong pinoproblema, ng mga problemang iyong tatakbuhan at tatakbuhan. Ang tanong na nga lang ay, HANDA KA NA BANG MAGBAGO?

Comments

Popular posts from this blog

Teorya ng Produksyon at ang Teorya ng Pagkonsumo ayon kay Thorstein Veblen

George Ritzer: Mula sa Luma patungo sa Makabagong Paraan ng Pagkonsumo