Sociological Examination
Ayon kay Charles Wright Mills, upang lubusan nating maintindihan ang ating mga sarili at ang lipunang ating ginagalawan, kailangan raw ay maintindihan ng tao ang dalawang ito; hindi lang iisa, kung hindi dapat ay pareho silang maintindihan upang maunawaan at magkaroon ng mga solusyon sa mga problema ng mga ito. Ang “Sociological Imagination” ni Mills ay isinulat niya noong dekada ’50 kung saan ang mga tao raw ay may nakakaramdam ng walang kapangyarihan at walang usad sa kani-kanilang mga buhay dahil sila ay nakukulong sa mga problema na kanilang kinahaharap, maging sa panlipunang paghihirap o sa kanilang mga sarili, para bang kapag natapos na ang isang problema ay hindi pa talaga matapos tapos ang mga problemang dumarating. Ang sosyolohikal na imahinasyon ay may pangakong maiiayos ng isang tao ang kanyang sarili kung aalamin at uunawain ang talagang kinakaharap at ang kalagayan ng mga tao sa kanyang sarili at sa lipunang kanyang ginagalawan.
Sa mga kinahaharap na mga problema ng isang tao, kung kanyang iisipin ay problema niya ito na siya lamang ang may karga nito at ang may sala sa lahat ng ito. Halimbawa na lamang ang kawalan ng trabaho, diborsyo, ang paglaki ng magisa, walang kakayahang magaral, at marami pang mga problema ng isang tao. Ngunit ang hindi alam ng nakakarami ay kung hindi natin aalamin ang nakaraan ng ating lipunan at kung ano ang kalagayan nito sa kasalukuyan, ay hindi natin maintindihan kung ano nga ba ang problema sa ating sarili o kung ito ng aba ay nakapa loob lamang sa sarili at siya lamang ang dapat isisi rito at ang mas mahalaga, hindi masosolusyonan ang problemang kanyang kinakaharap.
Bata pa lamang ako ay marami na akong naiintindihan sa aking kapaligiran at sa aking buhay. Lumaki ako sa puder ng aking mga lolo’t lola habang ang aking ina’y nagtatrabaho sa ibang bansa at nung nakabalik na siya dito ay hindi rin naman kami masyadong nagkikita dahil nagaaral ako sa umaga at nagtatrabaho naman siya sa gabi. Marami akong mga katanungan kung bakit ganoon na lamang ang nangyari sa aming pamilya ngunit noong ako’y nagkamulat na at mas marami na ang nalalaman, marami pala ang mga nabuntis noong dekada ‘90. Maraming mga kabataan ang hindi alam ang kontrasepsyon at ang mga bata ay naguusisa sa mga bagay na kanila lamang nakikita sa tv o di kaya’y nadadala raw ng kanilang damdamin. Noong malaman ko to ay mas naintindihan ko na kung bakit may mga batang kagaya ko na wala ang ama at hindi ko ito kasalanan.
Kung sa isang lipunan ay mayroong 300 na katao na may kakayahan nang magtrabaho ay lilima lamang ang walang trabaho, pwede pa itong masolusyunan ng indibidwal ngunit kung mayroon nang 120 na walang trabaho, ito ay problema na ng lipunan at hindi ito masosolusyonan lamang ng pagbibigay ng trabaho dahil hindi naman lahat ito ay maaaring mabigyan ng trabaho.
Sa aking paguusisa at pagkakaintindi sa The Promise ni Mills ay tayo raw ay mayroong kinakaharap na marami at samu’t saring mga problema sa ating mga pangaraw araw. Atin raw mareresolba ang ating mga problema kung: una, ay alam natin ang ating mga kakayahan at mga pinagdaanan at kung nasaan ba tayo sa ating lipunan ngayong panahon na ito ay doon natin malalaman ang ating mga oportunidad sa ating mga buhay. Ang sosyolohikal na imahinasyon ay nagbibigay satin ng pagkakataon na malaman ang ating mga nakaraan upang lalo nating maintindihan ang ating mga kasalukuyan, panlipunan man o ang ating sarili sapagkat makakakuha tayo ng mga leksyon sa mga hinarap na nating mga problema noon at matututo na tayo sa dapat gawin ngayon.
Ang mga tao sa lipunan at produckto ng lipunan mismo at ng panahon. Wala tayo kapag wala ang lipunan at wala rin ang lipunan kung wala tayo. Kahit saan man tingnan, ang indibidbwal at ang lipunan ay hindi maihihiwalay ito ay nakabuklod na noon, ngayon at sa mga darating pang mga panahon. Sa pagintindi ng mga pagbabago sa ating mga sarili, kailangan rin nating tumingin lagpas pa sa pansarili lamang na kalagayan; nasa lipunan AT nasa iyo ang solusyon ng problema, hindi lang sa iisa dahil kung magkakaroon man ng magandang kinabukasan, kailangan ang lahat ay nakaiintindi ng kanyang lugar sa lipunan at ang mga nakaraan at ang kalagayan ngayon ng lipunan upang mabigyang daan sa magandang kinabukasan.
Comments
Post a Comment