Emile Durkheim : Social Solidarity
Si Emile Durkheim ay kilala bilang isang French Sociologist na nakilala dahil sa kanyang teorya at sadyang galing sa pagobserba at paglalahad ng kanyang mga obserbasyon sa paraan na maiintindihan ng madla at nakita ito ng madla na talaga nga namang totoo ang kanyang teorya na tungkol sa istraktura ng lipunan kung kaya’t sabi nila ay siya ang nagtatag ng French School ng sosyolohiya.
Ang kanyang teorya ay umiikot sa isang lipunan na kanyang naobserbahan sa nakaraan ng kanyang panahon at ang kasalukuyan niyang panahon noong panahon na inaaral at inooberbahan niya ang lipunan. Mayroon daw dapat na pagkakahati hati ng trabaho bawat tao sa isang lipunan, kung sa triangulo sa lipunan na sinasabi ni bamboo ay ang dapat na nasa ibaba, ay nasa ibaba lamang at manataling gawin ang mga trabaho na nararapat para sa mga nasa ilalim ng triangulo. Mayroon siyang mga jargon sa kanyang mga teorya, tulad na lamang ng “Collective Conscience” na nagsasabi na ang nagbubuklod sa isang grupo ay dahil sa kanilang mga pagkakapareho tulad ng paniniwala, ugali, relihiyon at iba. Ang “Social Solidarity” naman ay nagbubuklod sa isang lipunan kahit na ang mga tao rito ay mayroong iba’t ibang papel at trabaho sa lipunan.
Mayroon siyang dalawang lipunang pinagkumpara noon, ang “Mechanical Solidarity” at ang “Organic Solidarity”. Ito ay tinawag na Mechanical dahil iisa lamang ang galaw ng mga tao rito at walang mga pagbabago kahit na ano pang sirkumstansya ang dumating, tutuloy tuloy lamang ito sa pagandar. Ang Mechanical Solidarity ay ang isang lipunan na kakaunti lamang ang bilang ng tao tulad na lamang ng mga tribo noong unang panahon. Ito ay ang isang lipunan kung saan wala masyadong pagkakaiba ang mga tao, halos magkakapareho lamang ang mga trabaho nito at kung mayroon mang naiiba ay kakaunti lamang ang mga ito. Kung wala ang isa rito, tuloy lamang ang buhay ng lahat dahil nga wala namang naiibang trabaho sa kanila sa lipunan. Ang pagkakaroon nito ng solidaridad ay dahil sa pagkakaparehas nila. Parehas rin sila ng mga paniniwala; at dahil dito, malakas ang kanilang collective conscience dahil nga sila ay nagkakaisa dahil sa mga paniniwala. Kung mayroong magkasala sa kanila, tulad na lamang ng hindi pagboto sa panahon ng botohan, ay matindi ang parusang matatanggap ng taong ito dahil pagpapakita ito ng walang respeto sa karamihan sa lipunan dahil alam nilang importante ang boto ng bawat isa sa kanila. Isa pang halimbawa ay kung magnakaw ka ng baboy, ikaw ay puputulan ng kamay, dahil mali ang magnakaw sa iyong kapwa. Ang ganitong batas ay tinatawag na “Repressive Law”, ang mga may sala ay matindi ang mga matatanggap na parusa sa kanilang mga ginawa na sa tingin ng pinuno at ng mga tao sa lipunan ay mali at hindi dapat ginagawa. Dahil sa kanilang pagkakaroon ng malakas na collective conscience o pagkakapareho ng mga paniniwala ay walang makakalusot sa mga kanilang sala at makakatanggap ng matinding parusa; ito ay dahil rin sa iisang relihiyon lamang ang kanilang pinaniniwalaan at halos lahat ng kanilang mga batas ay nakaangklas sa kanilang mga paniniwala at relihiyon kung kaya’t matindi rin ang kanilang mga parusa, kung ano ang nakasulat sa kanilang mga bibliya at ang mga sinasabi ng matatanda, ay iyong ang masusunod; wala nang kung at mga pero.
Ang ikalawang lipunang kanyang inobserbahan ay ang mas panibagong lipunan na tinatawag niyang “Organic Solidarity”. Ito ay tinawag na ‘organic’ dahil kapag isa ay nawala rito, magkakaroon ng pagkakagulo sa paggalaw ng lipunan at hindi nito kakayanin na mawala ang isa; lahat ng mga nabibilang sa lipunan ay mahalaga upang mapanatili itong buhay at gumagana. Ang organic solidarity ay ang isang lipunan na mayroong solidaridad dahil sa pagkakaiba iba ng mga tao nito. Maraming mga tao ang nabibilang sa ganitong lipunan. Hindi nabubuklod ang mga tao dahil sa parehas nilang paniniwala sa mga bagay, kundi ang mga pagkakaiba nila. Ang mahirap lamang rito ay ang kanilang batas kung saan ang mga sinasakdal ay hindi gaanong matindi ang mga parusa katulad na lamang ng nasa Mechanical Solidarity na lipunan. Ang halimbawa na lamang nito ay kung nagnakaw ka ng baboy, kailangan mong isauli ang baboy na iyong ninakaw o di kaya’y magtatrabaho ka sa kanilang babuyan ng isan-daang oras. Ang batas na ito ay tinatawag na “Restitutive Law”, ito ay ginawa upang maibalik sa maayos ang mga nasirang relasyon dahil sa mga pagsasala ng mga sinasakdal; kinokonsidera nito ang mga karapatang pantao. Ang ganitong batas ay dahil sa kanilang mahinang collective conscience, marami sa kanila ang magkakaiba ng trabaho, dahil dito mayroon silang iba’t ibang grupo kinabibilangan kung kaya’t nahahati ang mga opinyon ng kada isa kaya’t ganito lamang ang mga parusa sa mga nagkasala. Isa pang halimbawa ay kung ikaw ay hindi bumoto, ay halos walang makakapansin nito at walang magiging parusa kung ikaw ay hindi boboto hindi tulad sa mechanical solidarity na sobrang pinapahalagahan ang pagboto kung saan ikaw ay itatakwil na ng iyong lipunan dahil sa iyong hindi pagboto. Ang mga pagiisip ng tao sa mga panahon ng mechanical solidarity ay pang-lahatan; kung aking bibigyang halimbawa ay kung galing sa isang gera ang kanilang hukbo, ang unang tanong sa kanilang pagbabalik ay kung nanalo ba. Kung ito naman ay sa panahon ng Organic Solidarity ay ang unang tanong kapag nakabalik ang mga hukbo galing sa gyera ay kung buhay pa ang kanilang kapamilya. Noong panahon pa ng Mechanical Solidarity ay kung namatay ang lahat ng tao sa iyong hukbo at ikaw lang ang nabuhay, dapat lamang ay patayin mo ang sarili mo bilang pagpaparangal sa iyong mga kasama na namatay sa laban.
Ang batas na Restitutive Law ay tinatawag sa lipunan na Civil Law, sa Pilipinas, mayroong limang klase ng civil law ito ang Property Law, Tort Law, Family Law, Procedural Law, at Contract Law. Ang Property Law ay ang mga batas para sa pagmamayari ng lupa at iba pa. Ang Tort Law naman ay ang pagaareglo sa iyong nakaaway o nakasangga sa isang tunggalian, kadalasan, ang may sala ay nagbibigay ng pera upang maareglo ang kanyang nabiktima upang hindi na ito magsampa ng kaso. Ang Procedural Law naman ay dyan nabibilang ang mga paghuhukom sa hukuman, ang mga abogado, ang senado at iba pa. Ang Contract Law naman ay para sa mga manggagawa kung saan may kontrata ito sa kanyang employer kung gaano ito katagal magtatrabaho.
Ang tawag sa transisyon mula sa Mechanical patungong Organic Solidarity na lipunan ay ang Dynamic Density, ito ang mga dahilan kung paano nagkakaroon ng pagbabago sa Sistema ng lipunan. Mayroon itong dalawang katangian, ang populasyon, dapat raw ay dumami ang populasyon mula sa Mechanical upang ito ay maging Organic dahil sa pagdami ng tao, dumadami ang mga pangangailangan ng tao at hindi na ito kayang punan ng mga yamang panlipunan at hindi na pwedeng iisa lamang ang trabaho ng lahat ng mga tao sa isang lipunan. Ang pangalawang katangian ay ang social interaction kung saan dapat raw ay tumaas ang pagkakaroon ng pakikipagugnayan ng nakakararami sa isang lipunan sa iba pang mga tao sa mismong lipunan nito at sa ibang lipunan.
Mayroon pang naisip na teorya si Durkheim na ito raw ay sakit ng mga tao na nabibilang sa Organic Solidarity na lipunan, ito ay ang Anomie. Ito ay ang hindi mo raw alam ang iyong mga gagawin dahil sa kawalan ng mga paniniwala at pagpapahalaga ng kagaya sa iyong lipunan. Ang mga sintomas raw nito ay ang hindi pagiging masaya, kawalan ng halaga, at paggawa ng mali laban sa kapwa o sa sarili. Sa kanyang pagaaral nito ay kanyang naobserbahan ang mga tao sa isang relihiyon kung saan ang mataas ang bilang ng pagpapakamatay. Nakita niyang ang mga nagpapakamatay ay ang mayroong sobrang paniniwala sa kanilang relihiyon at sa lipunang ginagalawan at ang isa naman ay ang kawalan o kakaunti ng paniniwala sa relihiyon at lipunan. Ang Social Integration raw ay ang tindi ng pagkakakapit o paniniwala ng indibidwal sa kanyang lipunan; ito ay nag dudulot sa suicide o pagpapakamatay sa sarili. Mayroon raw 4 na klase ng suicide o pagpapakamatay at ito ay nahahati sa dalawang matinding dahilan ukol sa paniniwala sa lipunan. Ang Altruistic at Fatalistic Suicide ay para sa mga sobrang nakakapit at matindi ang paniniwala sa mga paniniwala at ‘values’ ng kanyang lipunan. Ang Egoistic at Anomic Suicide naman ay ang pagkapit o di kaya’y karamdaman ng walang pakinabang sa kanyang lipunang ginagalawan.
Ang gustong mangyari ni Durkheim kung saan magkakaroon ng maayos na lipunan, ito raw ay magsasagot sa karamihan ng mga problema ng isang lipunan; Ito ang pagkakaroon ng malaks na collective conscience o matibay na paniniwala ng mga “values at beliefs” ng mga tao sa isang lipunan at ang pagkakaroon ng makataong Restitutive Law. Ang sagot raw upang ito ay makamit ay ang moral na edukasyon para sa nakararami, kung atin ngayong titingnan at gagamitin, pwede rin itong makamit gamit ang impluwensya ng media.
Maganda ang ineenvision ni Durkheim, kung aking titingnan ay ganoon rin ang gusto kong mangyari, kung saan, nasa gitna ang batas, may mga sala na dapat ay matindi ang kaparusahan samantalang ang mga magagaan ay pwede pang pagbigyan at sana ay makamit natin ang malakas na collective conscience sa ating lipunan o bansa upang hindi tayo magbuklod pero ayos rin ang pagkakaroon ng pagkakaiba iba ng trabaho ng mga tao dahil lahat nga naman ng mga ito ay kinakailangan upang mapanatilihing buhay ang isang lipunan. Ngunit, hindi katulad ng sinabi ni Durkheim, hindi ako naniniwala na ang mga dapat na nasa ibaba ng tatsulok ay manatili sa baba, maaaring ang iba ang umakyat at may manitili pero hindi lahat ay dapat manatili sa kung saan sila nabuhay at napalaki ng kanilang mga magulang.
Comments
Post a Comment