Mga kaisipan tungkol sa Marxismo

Si Karl Heinrich Marx ay isang German philosopher, economist, historian, political theorist, sociologist, journalist and revolutionary socialist. Siya ipinanganak noong May 5, 1818. At namatay naman noon March 14, 1883. Noong siya ay nabubuhay pa, dito nagsimula ang industrial revolution. Ngunit hindi nagsimula ang Marxism o ang paniniwala o paggalaw ayon sa kanyang mga obserbasyon at pagaaral kung hindi noong namatay siya. Ang Marxismo ay ang sosyal, political, at ekonomikong pilosopiya na pinagaaralan ang epekto ng kapitalismo sa paggawa, produktibo at ekonomikong pagunlad.
Bago magkaroon ng Industrial Revolution, ang mga tao ay gumagawa sa kanilang kagustuhan sa kanilang paggawa: kung anong materyales ang gagamitin, kung anong paraan ang gagamitin upang magawa ang produkto, ang oras kung kailan sila magtatrabaho, at kung magkano nila ibebenta ang produkto na kanilang ginawa. Mayroon silang kamalayan at koneksyon sa kanilang mga ginagawa kung kaya’t kanilang nararamdaman na sila ay mahalaga sa produksyon ng kanilang mga produkto. Ngunit, nung dumating ang Kapitalismo, dito nagbago ang lahat.
Ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang kakayahan at kagalingan upang makagawa ng bagay na kanyang ikabubuhay. Kaya tayo naiiba sa mga hayop dahil sa kakayahan na ito, tayo raw ay may “human potential”. Kaya nating magisip ng paraan kung paano mapapadali at magiging epektibo ang ating paggawa sa pangaraw araw na buhay. Sa Kapitalismo, dapat ay mas lalo pang dapat na malinang o mahubog ang mga kakayahan ng tao dahil mayroon nang mas makabagong mga teknolohiya at organisasyon na makakapagpalabas o hubog ng buong potensyal ng tao sa kanyang pagtatrabaho. Ngunit, umikot ang kapitalismo sa mga kapitalista na may kagustuhang mas marami ang kanyang ambag sa lipunan upang makakita ng mas malaking pera at siya ang maging monopolyo sa industriya upang sa kanya na lamang pupunta ang lahat ng mga mamimili at kontrolado nito ang presyo dahil wala itong kakumpetensya.
Mayroong dalawang klase ng tao sa kapitalismo, ang kapitalista na kung saan siya ang nagmamayari ng mga teknolohiya at hilaw na materyales para sa produksyon, at ang manggagawa o ploretariat na kung saan siya ang mga kamay ng mga kapitalista, sila ang tagagawa ng mga produkto.
Dahil sa kagustuhan na makakita ng mas malaki ng mga kapitalista, ang mga trabahador noon na nagtatrabaho sa kanilang sariling kagustuhan ay nagpupunta na at nagtatrabaho na sa pabrika upang magtrabaho para sa kapitalista. Ang kondisyon ng kanilang pagtatrabaho ay talaga nga namang hindi na makatao dahil iisa lamang ang kanilang ginagawa sa buong produksyon at paulit ulit lamang ito; para silang mga robot na iisa lamang ang dapat na gawin at ito ay idinidikta ng kapitalista. Walang karapatan magdikta ang mga ploretariat sa kung paano nila gustong gawin ang trabaho, kelan ito gagawin, anong mga materyales na gagamitin at kung magkano ito ibebenta sa merkado.
Sa mga mata ni Marx, dito nagkaroon ng tanong sa kanyang isipan na dapat nga bang ganun? Totoo nga ba na ganito ang kalagayan ng mga manggagawa? Ito ba ay patas? Ano ang ibig sabihin nito? At ang pinaka laging tinatanong sa lipunan ay kung bakit iilan lamang ang mayayaman at ang iba naman ay mahihirap? At dapat bang ganto na lamang ang kaayusan ng lipunan?
Si Marx ay naghanap ng mga kasagutan sa mga tanong na ito sa pamamaraan na sinubukan niyang intindihin kung paano tumatakbo ang kapitalistang lipunan at kung sino ang nakikinabang dito at sino naman ang nahihirapan nang dahil dito. Sa kanyang mga obserbasyon at mga pagaaral, siya ay nagpokus sa sosyal at ekonomikong relasyon kung paano kumikita ang mga tao upang mabuhay. Nakita ni Marx ang mga nasa likod ng mga batas at kaayusang itinatakda ng lipunan at relihiyon na idinidikta rin naman ng mga kapitalista, na kung saan mayroong dalawang klase ng tao sa lipunang ito, ang mga kapitalista, na nagmamay ari ng mga teknolohiya at mga hilaw na materyales na kinakailangan sa paggawa, at ang mga ploretariat o ang mga manggagawa na siyang mga kamay ng paggawa at nagtatrabaho ang mga ito upang mabuhay. Marxismo ang pagsusuri ni Marx sa kumplikado, magulo at naglilinang na relasyon ng dalawang klase na ito.
Sa ganitong sistema, dapat ay mayroong pantay na karapatan at benepisyo ang dalawang klase na ito, ang kapitalista at ploretariat, dahil parehas silang may ambag sa produksyon ngunit nakita ni marx na hindi pantay ang kanilang mga nagging kalagayan sa kapitalistang lipunan. Nakalalamang parati ang mga kapitalista. Si Marx ay bumuo ng teorya na nagsasabi na “all value comes from labor”, lahat daw ng bagay na importante at nilalagyan ng paggawa. Dahil sa teoryang ito, ang ploretariat ang mas mahalaga sa isang produksyon at hindi ang kapitalista. Dahil hindi mabubuo ang isang produkto, kung walang gagawa nito. Kung wala namang mga kapitalista ay kaya pa ring gumawa ng mga tao ng kani-kanilang mga produkto dahil sila ay may human potential. Sa natural na mundo, ay mayroong class consciousness ang mga tao, ito ang pagkakaroon ng kamalayan o pagkakakita ng malinaw o totoong kondisyon ng lipunan at pagkakaroon ng solusyon sa mga problema ng lipunan. Ngunit, sa kapitalismo, nagkakaroon ng exploitation o pananamantala ng mga kapitalista sa mga manggagawa dahil sa mga kondisyon ng mga pagtatrabaho nito na hindi na makatao na kung saan ang humuhubog rin naman ay ang lipunan mismo at ang relihiyon na kontrolado rin ng mga kapitalista.
Dahil rito, ang mga trabahador ay nakakaramdam na sila ay alienated o nalalayo ang nawawala ang kanilang kamalayan sa panlipunang kalagayan at wala silang magawa para ito ay mabago dahil pakiramdam nila ay hindi sila kabilang sa kabuoang produkto ng kanilang nagawa. Ang mga kinaharap na problema ng mga manggagawa ay (1) Wala silang karapatang magdesisyon ng kahit ano ukol sa paraan ng produksyon, ang dapat lamang nilang gawin ay sumunod sa  kung ano ang sabihin na gagawin ng mga kapitalista. Iisang trabaho lamang ang kanilang ginagawa sa buong produksyon kung kaya’t kanilang nararamdaman na wala silang role o importansya roon sa kanilang pinagtatrabahuhan. (2) ang mga taong ito ay mayroon lamang subsistence wage o living wage kung saan sila ay nakakatanggap ng pera na sapat lamang para sa isang araw upang mabuhay upang bukas papasok ulit sila at kung sila naman ay mamatay, ang kanilang anak ang magtutuloy ng kanilang trabaho. (3) Sila ay nailalayo sa kanilang mga kapwa dahil may kanya kanya silang stasyon sa produkyon. At pinaglalaban laban pa sila sa kanilang mga sarili dahil kung sino ang mas maraming nagagawa, siya ang mas pupuriin ng kapitalista, dahil dito, sila rin ang nagkukumpetensya upang mabuhay. Mas gusto ng kapitalista ang gumagawa ng mas madami sa mas kakaunting sahod dahil sila ang makikinabang dito. Nawawala na ang human potential ng tao. Ang consciousness ng tao ay manhid na at tuluyan nang nasira ang kanilang mga relasyon sa kapwa nila  tao at sa kapaligiran at tuloy tuloy nang naputol.
Ang naiisip noon ni Marx ay:
Bakit habang tumataas ang dami ng ginagawa ng mga manggagawa ay bumababa ang halaga ng mga nitong mga taong ito? At bakit habang lumalaki ang naiaambag ng isang manggagawa ay lumiliit ang halaga nito sa kapitalista?
Ang solusyon na naiisip ni Marx ay ang Komunismo. Ang komunismo ay isang teoryang pam-pulitika na nanggaling kay Karl Marx na nagtatanggol sa laban ng mga klase at nangunguna sa lipunan na kung saan lahat ng ari-arian ay pag-aari at bawat tao ay nagtatrabaho at binabayaran nang naaayon sa kanilang abilidad o kakayahan at pangangailangan. Ito raw ang ideal o eutopian society na kung saan andito ang total  o perfect man dahil ang tao rito ay maaaring makamit ang perfectability.
Hindi raw maaaring magkaron ng pagbabago kung walang rebolusyon na mangyayari. Dadanak at dadanak ang dugo, hindi ito maiiwasan kung magkakaroon ng pagbabagong panlipunan. Sa isang lipunan na kung saan may naaapi at mayroong nangaapi, oras lamang ang bibilangin bago magising ang mga ito ay lumaban sa nangaapi upang magbago ang sistema at makamit ang dapat na kanilang mga makuha.

Comments

Popular posts from this blog

Ang mga pananaw ni Jean Baudrillard: Mula sa Tagagawa patungo sa Mamimiling Lipunan ; Pagkawala ng Symbolic Exhanges at Pagkadami ng Simulations

Teorya ng Produksyon at ang Teorya ng Pagkonsumo ayon kay Thorstein Veblen

Michel Foucault: Increasing Governmentality