Pagtingin sa mga opinyon ni Max Weber
Bukod kay Karl Marx ay mayroon pang isang importanteng tao sa Sosyolohiya, siya ay si Max Weber. Isa siyang German theorist at kilala siya sa paggawa ng apat na pagiisip o kung ano ang rasyonal. Ayon kay Weber, mayroong apat na rationalidad, ito ang Practical Rationality kung saan ito ang ating mga ginagawa araw-araw upang masagot o malampasan ang mga sitwasyon sa ating buhay kung saan mahirap ang makalampas. Tulad na lamang ng sitwasyon sa ating buhay na kapag isinarado o may harang sa daanan ng ating dapat daanan papasok sa eskwelahan, tayo ay iisip ng iba pang alternatibong daan upang makarating sa ating pupuntahan. Ang pangalawa naman ay ang Theoretical Rationality, ito ang pagbuo ng iba’t ibang teorya upang masolve rin ang mga problema na kinakaharap natin araw araw. Ito ang pagiintindi sa mundo na ating ginagalawan. Ang pangatlo ay ang Substantive Rationality, katulad ito ng Practical Rationality na dapat ay may ginagawang aksyon upang ito ay maging rasyonal. Sa rasyonalidad na ito ay kinapapalooban nito kung ano ang kultura ng isang sibilisasyon at kung anong panahon isinagawa ang pagkilos. Ang mga pagkilos ay nagiging rasyonal depende sa kung anong pinaniniwalaan sa inyong lugar o kung ano ang “acceptable” sa inyong lipunan. Ang isang pagkilos ay maaaring hindi rasyonal sa isang lipunan ngunit rasyonal sa isa pa dahil ito nga ay naka depende sa kung ano ang mga paniniwala at kultura ng iyong lipunan. Kung ano ang katanggap tanggap noong panahon ng 80’s at nasa kanlurang bahagi ng mundo ay maaaring hindi katanggap tanggap ngayon dito naman sa ating bansa. Ang pinaka pinahahalagahan ni Weber ay ang Formal Rationality, ito ang mga aksyon kung saan nakabase ang mga ito sa mga patakaran, batas at mga regulasyon sa inyong lipunan. Kung ano ang isinasaad ng mga batas at mga regulasyon sa inyong lipunan, ito ang dapat na masunod at ito ang dapat gawin ng mamamayang sakop ng lipunan na ito. Ngunit, nauna itong umusbong at umunlad sa Kanlurang bahagi ng mundo noong pausbong pa lamang ang industriyalisasyon. Dahil dito, mas naging interisado si Weber na hanapin kung ano ang puno’t dulo kung bakit sa ganoong panahon at doong lugar lamang nagging matagumpay ang Formal Rationality.
Noong siya ay nagimbestiga ay nalaman niya na ang mga businessmen pala ay mayroong common denominator noong mga panahon ng pagunlad ng industriyalisasyon; at iyon ay ang pare-parehas sila ng relihiyon. Ang relihiyon na aking tinutukoy ay ang Protestantism. Sa paniniwala ng mga protestante lalo na ang sekto ng Calvinism, ang kanilang mga katapusan o kalalagyan pagkatapos ng kanilang mga buhay ay nakatakda na simula pa lamang ng sila ay isinilang. Wala silang magagawa para mabago ang kanilang mga mapupuntahan, kung ito ay langit man o sa impyerno. Ang tanging tanda lamang upang iyong malaman kung ikaw ba ay aakyat sa langit o sa mainit at hindi nakakatuwang impyerno ay kung ikaw ay matagumpay sa buhay. Matagumpay sa mundo ng pagnenegosyo. Kung ikaw ay maraming kita, ikaw ay masasalba dahil ito ang tanda na pupunta ka sa langit. Kung kaya’t ang mga tao ay nahihila sa paniniwala na ito at ang kanilang paniniwala o kung ano ang rasyonal sa kanila ay nakapaloob rito. Ang mga tao ay nagiisip na imbes na gastusin ang kanilang mga pera ay nagiipon sila upang maging capital ito at bumuo ng negosyo upang sila ay kumita at lalong lumago ang kanilang mga negosyo at malaman nila na sila ay masasalba. Ang mga manggagawa rin noong mga panahon na ito ay nagiisip na dahil lumalago ang may-ari ng kanilang pinagtatrabahuhan, sila ay nakikiambag doon sa pagunlad ng negosyo kung kaya’t sila rin ay maililigtas na. Ang mga kapitalista naman ay walang pakielam kung may mga taong hindi gaanong maunlad ang buhay dahil nga nakatakda na ang kanilang mga kapalaran sa bandang huli. Dahil sa gantong paniniwala ay nagbukas ang pinto patungo sa pagunlad at pagbago sa mundo ng tinatawag na Spirito ng Kapitalismo na nagtungo sa kapitalismong sistema ng ekonomiya. Ang kanlurang parte ng mundo ay hindi pa napapangunahan ng kasakiman ngunit sa tagumpay sa buhay at ang etikal na sistema noong panahon na ito na nagtungo sa pagunlad ng ekonomiya. Nang dahil sa Calvinism ay naging etikal ang kapitalismo sa mata ng mga tao dahil ang gusto lamang nila ay ang malaman na sila ay masasalba sa bandang huli. Kung sa kanluran, ang nagpausbong at nagpa ”tama” sa kapitalismo ay Calvinism, ang sa silangan naman ay ang Confucianism at Buddhism ngunit iba ang rasyonal sa mga nasyon na mayroong gantong mga paniniwala.
Ang mga Chinese ay kilala bilang mga businessmen noon pa man. Sa kalakalan, sila na ang naghahari dahil sa kanila lamang naman nanggagaling ang halos lahat ng produkto na ginagamitan ng makinarya sa panahon natin ngayon. Ngunit, sa kabila ng ito, bakit hindi umusbong ang kapitalismo sa lugar na ito?
Dahil ang kanilang relihiyon ay Confucianism. Sa relihiyong ito, ang paniniwala ay dapat mayroong kang maayos na edukasyon lalo na pagdating panitikan. Ang isang taong magaling sa larangan ng edukasyon lalo na sa panitikan, at kung ikaw ay matalino at wais sa iyong mga desisyon, ikaw ay pinahahalagahan ng lipunan. Sa kanila, hindi ganon kaimportante ang tagumpay sa negosyo o ang kumita ng malaking malaking pera dahil hindi naman ito nakaungkat sa kanilang paniniwala sa Confucianism. Iba ang pinahahalagahan nilang katangian, hindi tagumpay o kung ano man kundi ang katalinuhan ang importante upang masabi na mahalaga ka at nakikinabang ang lipunan sa iyo.
Katulad sa China na Confucianism ang paniniwala, sa India naman, ang kanilang paniniwalang panrelihiyon ay tinatawag na Hinduism, kung saan sila ay ipinapanganak base sa kanilang mga nagawa noong sila ay nabubuhay pa sa kanilang nakaraang buhay. Kung kaya’t ang dapat na gawin nila habang nabubuhay ay maging mabait o ang gumawa ng mabait sa kapwa o kung saan man, dahil kung ano man ang gawin mo ngayon sa buhay mo dito, iyon ang kalalabasan mo sa iyong susunod na buhay. Kung ikaw ay naging mabait, ikaw ay magiging tao sa iyong susunod na buhay. Kung ikaw naman ay naging masama, mapupuna ang iyong kaluluwa sa ibang uri ng katawan, maaaring mas mababa kesa sa tao, pwedeng hayop o insekto, depende kung gaano ka kasama noong ikaw ay nabubuhay pa.
Dahil dito, walang umusbong na Kapitalismo sa ibang mga bansa sa silangan dahil nga ibang mga paniniwala at mga kaugalian ang kanilang pinahahalagahan; iba ang rasyonal sa kanila kumpara sa kanluran na naka ugat ito sa Calvinism o Protestantism.
Ang rasyonalisasyon ay atin ring makikita sa autoridad o kung sino ang sa tingin nating dapat mamuno satin at sundin sa isang lipunan. Sa paglawak ng kanyang pagtingin sa kanyang teorya ng rasyonalisasyon, nakita niya na mayroong tatlong klase ng autoridad, ito ang Traditional Authority, Charismatic Authority, at ang Rational-Legal Authority. Nakita ni Weber a magtatagumpay sa mahabang panahon ang direksyon ng sa Rational-Legal Authority.
Sa Traditional Authority, ang pamumuno sa isang lipunan ay nakabase sa kung sino ang laging namumuno noong unang panahon pa lamang at kung sino lamang ang taga sunod. Madalas, ang mga matatanda ang namumuno sa gantong klase ng autoridad at kung sino ang maging anak nito, siya ang susunod na tagapagmuno ng kanilang lipunan. Ngunit, sabi ni Weber, ang Traditional Authority raw ay hindi rasyonal at humahadlang sa rasyonal na pagiisip ng mga tao.
Ang Charismatic Authority naman ay ang kapangyarihan ay napupunta sa kung sino ang pinaka magaling o may pinaka malaking karisma sa mga tao base sa mga ugaling pinapakita nito sa mga tao kung siya ay isang pinuno. Ang importanteng konklusyon sa autoridad na ang taong mamumuno ay hindi talaga kailangan ng karisma upang mamuno. Hindi rin daw rasyonal ang Charismatic Authority dahil nagkakaroon ng “routinization of charisma” kung saan kung namatay na o nawalan na ng kapangyarihan ang lider, ang mga taga sunod nito o ang mga susunod na gustong umupo sa pwesto ay gagawin rin o ipapakita rin ang mga pinakita niyang kaugaligan upang siya rin ay magustuhan ng tao at maupo sa pwesto. Dahil rito, ay makikita rin ng tao na wala nang extra ordinaryong makikita na katangian sa taong ito at matatapos na ang Charismatic Authority. Ngayon ay matitira na lamang ang Traditional at Rational Legal Authority na pagpipilian ng tao kung ano ang masusunod upang makipili sila ng kanilang pinuno.
Ang Rational-Legal Authority naman ay ang pinaka rasyonal raw na uri ng pamumuno sapagkat nauupo sa pwesto ang mga lider dahil sa mga batas, patakaran, at regulasyon ng lipunan. Ito ang pinaka pantay na pagpili sa pinuno ng isang lipunan ayon kay Weber. Sa Rational Legal Authority ay nabuo ang konsepto ng ideyal na lipunan o bureaucracy kung saan may iba’t ibang mga katangian ang bureaucracy na dapat tinataglay nito upang maging matagumpay ang isang lipunan.
Ngunit, nakita rin ni Weber ang problema sa ganitong klase ng pamumuno sa isang lipunan, ito ang pagkakaroon ng pagkakakulong ng mga tao sa loob ng isang lipunan at napapatay nito ang rasyonal na pagiisip ng mga tao dahil masyado nang nacocontrol ng mga lider ang mga tao. Dahil sa kagustuhan ng mga lider na ito na sila at sila lang din ang mamuno, ikinukulong nila ang mga tao sa mga batas rin na hindi naman ang mga tao ang MAS nakikinabang ngunit ang mga lider lang rin mismo.
Comments
Post a Comment