Simmel: Rasyonal o Hindi?
Sa kultura ng ating bansa, unti unti nang nagbabago ang ating mga pagtingin sa mga bagay na iba naman ang kahulugan noon at halaga noon ngunit ngayon, iba na ang tingin natin sa mga bagay na ito. Sa modernong panahon, talagang makikita na ang Trahedya ng Kultura.
Si Georg Simmel ay isa ring German social theorist na gumawa at nag lagay ng pakahulugan sa salitang Tragedy of Culture.
Maraming naimbag si Georg Simmel sa sosyolohiya, tulad na lamang nga mga Social Forms, kung saan kahit saan mang institusyon o relasyon, mayroong dalawang klase ng social form, ito ang Dominant at ang Subordinate. Ang Dominant ay ang tao na kung saan siya ang mas nasusunod sa dalawang tao na ito. Siya ang taga utos, ang tama, masusunod at siya ang mas makapangyarihan sa relasyon ng dalawang taong ito. Ang Subordinate naman ay ang taga sunod. Siya ang lagi lamang sumusunod sa Dominant, kung ano man ang sabihin nito, iyon na ang dapat niyang gawin. Kung anong sabihin ng Dominant, iyon ang tama, iyon ang papakinggan ng subordinate. Siya ang may kaunting kapangyarihan sa kanilang dalawa.
Isa pang teoryang kanyang naiambag ay ang “The Stranger”, kung saan lahat daw ng mga taong hindi natin kilala ay may nearness at remoteness satin. May nearness ito dahil mayroon pa rin kayong koneksyong dalawa kahit hindi kayo magkakilala. Halimbawa, iyong katabi mo sa jeep kanina, maaaring hindi mo siya kilala pero may koneksyon kayo, dahil kayo ang naging magkatabi at iyon ang nearness ninyo sa isa’t isa. Meron ring remoteness sa isang taong hindi natin kilala, dahil nga hindi natin sila kilala, mayroong remoteness o pagkawala sa pagkatao noong taong iyon. Halimbawa, katabi mo nga yung tao kanina sa jeep pero hindi ibig sabihin nito na may halaga na siya sayo ngayon. Iyon ang remoteness, mayroong parte na hindi kayo konektado sapagkat hindi kayo magkakilala.
Ang pinaka kilalang nagawa naman ni Georg Simmel ay ang ‘Tragedy of Culture’, kun saan mayroong Subjective at Objective Culture. Ang Subjective culture ay maihahalintulad natin sa indibidwalismo. Sa kulturang ito, niyayakap nito ang pagiging malikhain at matalino ng isang tao. Kung ano man ang ginagawa ng tao, ito ay ginagawa niya dahil gusto niya ito at ito ang isinisigaw ng kanyang puso at isipan na dapat niyang gawin. Ang Objective culture naman ay ang kultura kung saan ang mga bagay na gawa ng mga tao lang din ay nagiging parte na ng kultura ng tao. Halimbawa, ang mga damit, kung dati rati, ang gamit lamang ng mga damit ay upang matakpan o maproteksyonan an gating mga katawan laban sa mga bagay na makakapanakit sa atin, subalit ngayon, ang gamit na ng damit o ang pagtingin rito ay isang porma ng pagpapakita o pagpapahayag ng kung ano ang iyong social class sa lipunan, kung saan ka kabilang na klase sa inyong lipunan. Kung maganda, uso at mamahalin ang iyong mga kasuotan, ang pagtingin sayo ay mayaman, may kaya, elitista. Subalit kung ang damit na iyong sinusuot ay makaluma, marumi, at mumurahin, ganun rin ang pagtingin sayo ng mga tao sa inyong lipunan.
Sa obhektibong kultura, pinapatay nito ang pagiging malikhain at matalino ng tao dahil napupuno ng mga ideolohiya ang mga tao na ang mga bagay na gawa ng tao ay dapat na may halaga o may sabi sa kung ano ang isang tao sa lipunang kanilang ginagalawan. Dito rin pumapasok ang mga maka-kapitalismong pagcontrol ng mga taong makapangyarihan sa ating lipunan o Cultural Capitalism kung saan pinagaaralan ng mga kapitalismo ang paguugali ng mga mamimili upang macontrol ito at makondisyon sa kung paano nila gustong umakto ang mga tao. Halimbawa na lamang ang mga cellphone, kung ikaw ay naka Iphone, ito ay simbolo ng estado mo sa buhay, na ikaw ay mayaman, ikaw ay makapangyarihan sa lipunan dahil ikaw ang mayaman, ito na lamang ay nagiging “statement”. Hindi na natin pinahahalagahan ang mga bagay dahil sa mga pakinabang nito ngunit sa kung ano ang ibig nitong sabihin sa lipunang iyong ginagalawan na hinubog rin ng mga kapitalista upang kumita sila ng tuloy tuloy. Dahil dito, pinapatay nito ang indibidwalismo ng isang tao. Kung noon, ang form of expression ng tao ay ang paglikha ng art, ngayon ang form of expression ng tao ay ang consumption. Bili na lamang tao ng bili dahil uso, dahil sabi sa patalastas na maganda ito, sabi ng artistang iyong iniidolo na bilhin ito.
Wag nating antayin na mabago ang ating buong kultura dahil lamang sa mga bagay na gawa ng tao o paniniwala sa mga bagay na ito na hindi rasyonal o walang solid na rason upang ito ay maging tama. Ang teknolohiya ay hindi natin mapipigilan sa pagusbong at pagsulong, ngunit ang ating mga paniniwala, kaugalian at pinahahalagahan ay ating macocontrol.
Maging responsableng mamayan,
mahalin ang sariling atin,
magisip muna bago bilhin,
kailangan ba ito or kagustuhin lamang?
Magisip mabuti,
Sapagkat ang mga tao sa mga susunod na henerasyon ang maaapektuhan nito.
Comments
Post a Comment