Social theory: Its Uses and Pleasures
Kapag may mga problemang kinakaharap ang lipunan, ang mga tao ay nagiisip ng iba’t ibang paraan upang ito ay maresolba, ito ay tinatawag na “Social Theory” o mga sosyal na teorya. Ang mga sosyal na teorya ay ang nagbubukas ng mga panibagong pagtingin sa mga problema na kinakaharap ng lipunan. Nagsisimulang mabuo ang isang teoryang sosyal kapag ang tao ay hindi na tinatanggap ng tao ang ibinibigay ng kanyang lipunan. Kapag ito ay solid at nakakapag paniwala at hikayat sa ibang tao, ito ang paniniwalaan rin ng ibang tao at maaaring maging solusyon sa problema. Nagsimula ito sa Gresya at kumalat na sa buong mundo. Noong unang panahon ay ang mga propesyonal lamang ang mga gumagawa at pinaniniwalaan ng mga tao ngunit ng kalaunan ay kahit ang mga “lay” o mga ordinaryong tao ay gumagawa na rin ng kani-kanilang social theory sa lipunan na kanilang ginagalawan. Kapag hindi na nakakasabay ang pang-unawa ng isang tao sa pagbabago ng mundo, mapagiiwanan ito at mananatili sa kung anong panahon at lipunan siya huling nakasabay sa pagbabago. Kapag nagsimula nang magsuspetsya ang tao, dito ay maiisip niya ang kalagayan ng kanyang lipunan at matuto itong magisip ng paraan upang masolusyonan ang mga ito. Ang paggawa ng mga social theory ay wala sa edad, kasarian, kulay ng balat (race), o ang estado ng isang tao sa buhay. Ito ay natural na nangyayari sa tao dahil ang mga tao ay natututong makisabay sa kanyang mundong ginagalawan at iisip at iisip ito ng paraan upang maiayos ang mga problemang kinakaharap nito. Ito ay makikita kahit saan; kahit saan tayo lumingon sa ating bansa, makakakita at makakakita tayo ng problema, dahil dito, iba’t ibang tao rin ang may kanya kanyang social theory sa mga problema sa kanyang ginagalawan. Dahil rito, maraming marami ang mga social theory na nabubuo at nagkakaroon ng tunggalian sa pagitan ng mga taong nakakagawa at nagsasabi ng kani-kanilang social theory at maaaring pagdebatehan kung ano ang pinaka magandang solusyon sa problema; hangga’t walang nabubuong social theory na nakakapang hikayat ng ibang tao upang sila ay maniwala dito at talagang solid ay hindi matatapos ang problema at hindi rin matatapos ang pagdedebate ng mga mayroong social theory.
Sa paggawa ng social theory, talagang marami ang makakaisip sa mga problemang humaharap sa problema dahil may iba’t ibang paraan ng pagtingin sa problema, mayroon ding iba’t ibang paraan upang ito ay maresolba. Lahat ng problema ay hindi one-sided. Dahil rito, ang mga social theorists ay flexible dapat ang pagtingin sa mga problema. Ang mga social theorists rin ay hindi kakapusin sa pang-unawa kung sila ay maeexpose sa iba’t ibang social theory, sila ay makakakita ng iba’t ibang point of view at paraan ng pagresolba sa problema. Ito ang pleasure na naibibigay ng social theory.
Dapat tandaan na ang mga social theory ay may binabagayang panahon at lipunan na dapat galawan at iapply ang mga social theory na ito. Dapat rin ay mayroon tayong vantage point, ito ang punto kung saan ang dito na tumitigil ang pagtingin natin sa mga solusyon sa isang problema; ito na ang paniniwalaan at ito na kinokonsidera nating solusyon sa problema. Ang tama at mali ay relative; ito ay pabago-bago base sa panahon at lipunang ginagalawang ng mga tao; ang mga tama noong 1800’s ay maaaring hindi na tama sa panahon natin. Kung kaya’t dapat lamang ay mayroon tayong mga panibagong solusyon sa ating mga problema, maaari nating gawing halimbawa lamang ito o kaya’y isang paraan upang masolba ang problema pero hindi ito dapat gayahin ng lahat ng detalye nito ay gagayahin na, dapat ay mayroon pa ring mga pagbabago dahil iba na ang oras at lipunang ginagalawang natin ngayon kesa sa noong mga panahon na iyon. Sabi nga ni Erap, forward ever, backward never!
Comments
Post a Comment