Posts

George Ritzer: Mula sa Luma patungo sa Makabagong Paraan ng Pagkonsumo

Higit na naimpluwensyahan ng ginawang teorya ni Baudrillard ukol sa post-modernong mundo pati na rin ang ibang ideya na nanggaling kay Marx at Weber, dahil dito ay gumawa ng grand theory si George Ritzer ukol sa kung ano ang paraan kung paano magconsume ang mga tao. Sa malakihang pagtingin, ipinapakita niya ang mundo kung saan pataas ng pataas ang pagkonsumo ng mga tao patungo sa kontemporaryong lipunan kung saan mailalarawan sa pagkakaroon ng katangian na tinatawag na hyperconsumption . Ayon kay Marx, kanyang binigyang kahulugan ang means of production kung saan ito ang mga bagay na kinakailangan upang maging posible ang pagpoproduce. Ang means of consumption naman para kay Marx ay ang mga produktong ginagamit ng konsumer. Upang maging uniporme ang depinisyon ng dalawa, binigyan ng bagong kahulugan ni Ritzer ang means of consumption, ito raw ang mga bagay na kinakailangan upang maging posibe ang pagkokonsumo ng mga tao (tulad na lamang ng institusyon na mall, kung saan sa loob n

Ang mga pananaw ni Jean Baudrillard: Mula sa Tagagawa patungo sa Mamimiling Lipunan ; Pagkawala ng Symbolic Exhanges at Pagkadami ng Simulations

Si Jean Baudrillard  ay isang sosyolohikong Pranses, pilosopo, kultural na teoristiko, komendador sa politika at isang litratista. Nabuhay siya noong ika-27 ng Hulyo at namatay noong ika anim ng Marso noong taong 2007. Siya ay pinaka nakilala dahi sa kanyang pagsusuri sa medya, kontemporaryong kultura at komunikasyong teknolohikal pati na rin ang mga konsepto niya na tulad ng mga simulation at hyperreality. Nagsulat siya ukol iba’t ibang paksa, kasama na rito ang consumerism, gender relations, economics, social history, art, western foreign policy at kulturang popular. Sa lahat ng kanyang mga nilikha, ang pinaka kilala ay ang Simulacra and Simulation  (1981),  America  (1986), at  The Gulf War Did Not Take Place  (1991). Ang kanyang mga likha ay maiuugnat sa postmodernism at lalo na sa post-structuralism.   Mula sa Tagagawa patungo sa Mamimiling Lipunan Noong unang mga nilikha ni Baudrillard ay naimpluwensyahan siya sa mga gawa ni Marx   at ibang mga sangay ng Neo-Marxian Th

Michel Foucault: Increasing Governmentality

“With great power comes with great responsibility.” Ito ang isa sa mga kasabihan na lagi nating ikonokonekta sa pagiging isang lider o isang makapangarihan sa isang institusyon. Ang pagiging isa sa mga tagapangisawa ng isang lipunan ay talaga nga namang matrabaho at lagi mong dapat na iisipin ang nakabubuti para sa nakakarami. Ngunit, sa modernong panahon ito nga ba ang nangyayari? Naisasagawa nga kaya ng mga opisyal ang kanilang mga tungkulin base sa kanilang mga kakayahan at mga kapangyarihang kanilang hawak o inaabuso ng aba nila ito? Si Michel Foucault ay isang mga gumawa ng post-modernong sosyolohistang teorya. Naniniwala si Foucault na hindi tuloy tuloy sa isang panahon ay isang teorya kundi ito ay pahati hati sa panahon at hindi lahat ng tao ay nakararanas nito o di kaya’y hindi sa iisang oras nararanasan ng lahat ang iisang teorya lamang. Naging interesado si Foucault sa paiba-ibang sistema ng tinatawag niyang governmentalities o ang praktis at teknik kung saan mayro

Mga Kontemporaryong Peministang Teorya

Ang mga kababaihan ay matagal nang tinitingnan pababa ng karamihan sa lipunan, mula noon hanggang ngayon at kahit saan mang parte ng mundo ay ganito ang nararanasan ng karamihan sa mga kababaihan. Kawalan ng katarungan at dangal ang nararamdaman ng mga kababaihan sa tuwing sila ay nakakaranas ng hindi pantay na pagtrato sakanila, sa loob o labas man ng bahay. Dahil rito ay umusbong ang Peminismo noong ika 19 na siglo, ang nagsimula nito ay si Wilhelmina Drucker na nabuhay noon  1847 hanggang sa namatay ito noon 1925. Siya ay isang politico, manunulat, at isang aktibista para sa kapayapaan na lumaban para sa pantay na karapatan sa pamamagitan ng mga political at peministang mga organisasyon na kanyang itinatag. Noong mga taong 1917 hanggang 1919, nakamit niya ang tagumpay at nakalaya mula sa paghihirap ang mga kababaihan. Ang  peminismo  ay ang pagtitipon ng mga kilusan at mga kaisipan na layunin ang magtakda, magtatag, at maipagtanggol ang pantay na pampulitika, pangkabuhayan,

George Ritzer's Mcdonalization

Si George Ritzer ay ipinanganak noon ika-14 ng Oktubre noong 1940 sa Manhattan, New York City. Siya ay nagtapos sa kursong BA Psychology noong 1958 sa City College of New York. Natapos naman niya ang kanyang Masteral noong 1962 sa University of Michigan at ang kanyang PHD naman at sa Cornell University noong 1965. Nakilala si Ritzer dahil sa iba’t ibang teoryang kanyang nagawa sa tanan ng kanyang buhay. Isa sa mga ito ay ang pinaka kilala nitong ginawa na tinatawag niyang “ Mcdonalization ”. Ang Mcdonaldization ay ang iba’t ibang gawain at mekanismo na ginawa ng mga kapitalista na kumakalat sa buong mundo na nakakaapekto sa lahat ng taong nakakaranas nito. Isinulat ni Ritzer ang librong niyang ‘The Mcdonalization of Society” noong 1993 at nananatili itong isa sa mga bestseller na libro ng sosyolohiya. Lumaki noon si Ritzer na pausbong at biglaang lumaki ang kaininang Mcdonalds, nang dahil rito ay marami siyang mga naobserbahang mga mekanismong at mga prinsipyo sa kung paano