George Ritzer: Mula sa Luma patungo sa Makabagong Paraan ng Pagkonsumo
Higit na naimpluwensyahan ng ginawang teorya ni Baudrillard ukol sa post-modernong mundo pati na rin ang ibang ideya na nanggaling kay Marx at Weber, dahil dito ay gumawa ng grand theory si George Ritzer ukol sa kung ano ang paraan kung paano magconsume ang mga tao. Sa malakihang pagtingin, ipinapakita niya ang mundo kung saan pataas ng pataas ang pagkonsumo ng mga tao patungo sa kontemporaryong lipunan kung saan mailalarawan sa pagkakaroon ng katangian na tinatawag na hyperconsumption . Ayon kay Marx, kanyang binigyang kahulugan ang means of production kung saan ito ang mga bagay na kinakailangan upang maging posible ang pagpoproduce. Ang means of consumption naman para kay Marx ay ang mga produktong ginagamit ng konsumer. Upang maging uniporme ang depinisyon ng dalawa, binigyan ng bagong kahulugan ni Ritzer ang means of consumption, ito raw ang mga bagay na kinakailangan upang maging posibe ang pagkokonsumo ng mga tao (tulad na lamang ng institusyon na mall, kung saan sa loob n