Anthony Giddens at Ulrich Beck: Mekanismong Juggernaut at Risk Society
Mayroong isang social theorist na naniniwalang hindi pa tayo nakakarating sa post-modern society kundi tayo ay nananatili pa rin sa modernong society ngunit nasa mas makabagong lugar na tayo rito. Kahit na siya ay modernista, si Giddens ay mayroong ibang pananaw sa modernong panahon kumpara sa mga klasikal na theorists tulad nila Marx at Weber. Nakita ni Giddens na ang mundo ay kinokontrol na ng mekanismong tinatawag na “Juggernaut” na kanyang inilarawan bilang isang makinarta na mayroong malawak na kapangyarihan na kaya lamang macontrol ng tao sa maliit na sakop lamang kung kaya’t malaki ang posibilidad na ito ay mawala sa ating kontrol at magkagulo ang mundo. Ang Juggernaut ay “runaway world” ayon kay Giddens, nasa panahon na raw tayo kung saang ang globalisasyon na ating kinabubuhayan ngayon ay hindi na natin kayang makita kung ano ang parating at ito ay hindi stabilized na proseso dahil nga walang kayang magcontrol nito ng buong buo. Ayon kay Giddens, ang modernidad ay mayroo...